Ma bakit? Bakit mo kami iniwan? Bakit mo nagawang iwan si tatay? Bakit mo hinayaang lumaki kami ng walang nanay? Bakit? Alam mo ba kung gaano kahirap yun, ma? Kung gaano kahirap lumaki ng walang nanay? Na yung mga kapitbahay pinagtsitsismisan kayo? Iniisip nila baka naman daw nagjapayuki ka na. Sabi din nila baka may ibang pamilya ka na daw. Pero alam mo yung pinakamasakit na sinabi nila? “Baka naman hindi kayo mahal ng nanay niyo kaya niya kayo iniwan?” Hindi mo nga ba kami mahal, ma? Ganon kadali mo lang ba kami kayang iwan? Iyak ng iyak si papa noon. Mahal na mahalka niya, ma. Alam mo ba yon? Kailangan ka niya, ma. Kailangan kita.
Alam mo, ma sobrang hirap lumaki ng walang nanay. Nung grade 3 ako, nagkaroon ng mother-daughter contest sa school. Hindi ako umattend noon, nanatili nalang ako sa bahay. Hindi ko kayang makita lahat ng mga kaklase ko kasama yung mga nanay nila. Masaya. Magkasama. Umiyak ako noon, naguumpisa na ko magtanong nung mga orasna yon. “Ma, bakit mo ko iniwan? Kailangan kita eh.” Isa pa, nung high school graduation ko. Lahat ng kaklase ko may mga nanay silang magsasabit ng mga medal nila at maglalagay ng mga ribbon nila. Meron pang song number noon kung saan yung mga graduates kakantahan yung mga nanay nila. Alam mo kung ano yung kanta, ma? “Iingatan ka.” Habang nagkakantahan kami. Umiiyak ako. Hindi dahil sa saya, kung hindi dahil sa sakit. Isa na yata yon sa mga pinakamasakit kong iyak. Bawat sabi ng linyang “Aking ina..” humahagulgol ako. Oo, andon nga si papa, pero hindi siya yung mama ko. Magkaiba yun eh, alam mo ba yun, ma? Magkaiba kayo ni papa. Ma, bakit mo kami iniwan? Kailangan kita eh.
Ang dami mong namiss sa buhay ko, ma. Yung first time kong nahulog habang nagbibisikleta. Yung first time kong gumamit ng bra. Yung first time kong magkacrush. Yung first time kong magkaperiod. Yung pagtungtong ko sa college. Yung debut ko. Yung first time kong nasaktan sa pagibig. Yung pagakyat ko ng stage kasi ako yung magna cum laude. Ang dami, ma. Ang daming beses sa mga importanteng parte sa buhay ko na walaka. Mga importanteng panahon sa buhay ng isang babae na dapat kasama niya yung mama niya. Ma, kailangan kita eh.
Isang araw, nasaksak si papa dahil tinutulungan niya yung isang matandang babae nahinoholdap. Nadala pa siya sa ospital pero namatay din siya. Namatay siya na ikaw pa din yung hinahanap niya. Sa huling hininga niya sinasabi niya pa ding mahal ka niya at patawarin na daw kita. Hindi ko alam, ma. Dapat nga bang patawarin kita? Ngayon walana kong nanay at nawalan pa ko ng tatay. Ako na ang nagpakahirap para buhayin yung pamilya natin. Nagtatlong trabaho ako ng sabay sabay para lang mapaaral ko yung mga kapatid ko at para may makain kami sa araw araw. Pero isang gabi may kumatok sa pintuan namin. Isang himala yung nangyari. Ikaw yung kumatok. Sinabi mong nalaman mong patay na si papa kaya bumalik ka. Humihingi ka ng tawad dahil iniwan mo kami. Hindi ko napigilan yung sarili ko at sinigawan kita. “Patawad?! Tingin mo patatawarin kita?! Nawalan ako ng nanay sa loob ng 22 years! 22 years, ma! Alam mo ba kung gaano kahirap lumaki ng walang ina? Ma, asan ka nung kailangan kita?” Hindi mo napigilan humagulgol non. Humihingi ka ng tawad paulit ulit, pero hindi ko pinakinggan. Pinaalis nakita sa bahay namin at sinabihan kitang wag na wag ka ng babalik.
Hanggang may dumating sa aming balita. Patay ka na daw. Namatay ka daw dahil sa cervical cancer. Matagal ka na daw may sakit na ganon, pero binalewala mo nalang daw kasi ang gusto mo makita kami bago ka mamatay. Makita ang pamilya mo. May iniwan kapa daw na sulat at mana para sakin at sa mga kapatid ko. Nadurog ang puso ko nung nabasa ko yung sulat mo. Alam mo kung ano yung pinakamasakit na nabasa ko sa sulat mo? “Anak, sana mapatawad mo ang mama. Kahit bilang huling hiling ko na sayo. Mahalna mahal kita, anak.” Gustong gusto kitang makita non, gustong gusto kitang yakapin nanon. Gustong gusto kong sabihin sayo na mahal na mahal kita mama. Bakit nga ba hindi ko pa siya ginawa nung nagkita na uli tayo? Dapat pag humingi na ng kapatawaran sayo, pinapatawad mo na. Ano nga bang karapatan ko para hindi ka patawarin? Parehas lang din naman tayong nasaktan? Ang tanga tanga ko. Tama nga sila, nasa huli ang pagsisisi. Hindi ko na mababalik ang oras na nasayang ko na. Hindi ko na kayang itama pa lahat ng mali ko. Iniwan mo uli kami mama. Kailangan kita.